Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

basta

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
basta
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Ma, ano pong ulam natin?
  • Lalabas nalang po ako para bumili sa palengke.
  • Oh sige, mag ingat ka anak.
  • Ay naku! Nakalimutan kong mamalengke!
  • Binigyan siya ng kanyang nanay ng Php 1,000 pambili ng mga sangkap ng sinigang na baboy. Matapos ay umalis na siya at nagtungo sa palengke upang mamili. Makalipas lamang ang labing limang minuto ay nakarating kaagad siya sa kanilang bahay.
  • Oh anak? Ang bilis mo naman ata? At tsaka bakit ₱637 nalang 'tong sukli mo?
  • Eh kasi po ma, ₱535 ang presyo ng isang kilo ng baboy. Isama mo pa po ang ibang sangkap, oh 'di po ba nakatipid?
  • Ano?! Aba'y napakamahal naman ng baboy na 'yan! Imported ba 'yan? Naku naman anak, dapat ay isinuri mo muna bago mo bilhin! Naloko ka tuloy! Sayang ang pera natin, halika't samahan mo ako ireklamo iyang tindahan na iyong binilhan sa DTI!
  • Magandang hapon po, nandirito po ako dahil nakatanggap po kami ng reklamo tungkol sa presyo ng inyong paninda. Napakataas daw po ng bawat kilo ng karneng iyong binebenta, sobra sobra na sa price ceiling ang presyo. Labag na sa Anti-Profiteering Law ang ginagawa niyo.
  • Hala! Pagpasensyahan niyo na po ako. Kulang ako sa kaalaman tungkol sa pagtatakda ng tamang presyo. Hayaan po ninyo, itatama ko na ang bawat presyo ng aking paninda nang naaayon sa price ceiling at price floor.
  • Anak, sana may natutunan ka sa nangyari. Tungkulin natin na malaman lahat ng presyong itinatakda ng pamahalaan para hindi nangyayari ang ganoong sitwasyon.
  • Opo mama. Simula ngayon ay aalamin ko na ang suggested retail price at susuriin ko na rin ang mga produktong aking bibilhin.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados