Si Haring Madali ay naiingit sa kanyang kapatid na si Prinsipe Bantugan. Si Bantugan ay malakas at matapang at maraming mga dalaga ang nagkagusto sa kanya. Inutusan ng hari na hindi makipag-usap sa Prinsipe at papatayin kung sino ang susuway.
Dahil sa sobrang lungkot, nagpasya ang prinsipe na pumuta sa ibang lupain. Nagkaroon siya ng sakit habang naglalakbay at inabot siya ng kamatayan sa harap ng pintuan ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Si Prinsesa Datimbang at ang hari ay nagulumihan. Nagpupulong ang mga konseho kung ano ang gagawin. Isang parrot ang biglang pumasok at nagsabing ang nakaburol ay si Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Bumalik ang parrot sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali ang nangyari sa kanyang kapatid.
Lumipad si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan habang dinala ni Prinsesa Datimbang ang bangkay ng Prinsipe pabalik sa Bumbaran.
Pilit na isinauli ng hari ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan.