Nagtayo ang taong madilaw ng isang makinarya na siyang nagtataas at nagbababa ng mabibigat ng bagay gaya ng bato at bakal. Ayon sa taong madilaw ay si Don Saturnino, lolo ni Ibarra pa ang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang makinarya.
Deslizar: 2
Deslizar: 3
Nang mapatingala si Ibarra sa itaas ay nakita niya ang madilaw na lalaki na nakangisi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at naalala ang babala ni Elias nung nasa simbahan. Nabuhayan naman siya ng loob nanng mapansing malapit si Elias sa kinaroroonan ng taong madilaw.
Deslizar: 4
Nagsimula nang magbigay ng sermon si Padre Salvi at mapapansing nangangatal ang boses habang nagbabasa. Ipinasok na ang kahong kristal sa tinggang bumbong.Nagmungkahi ang alkalde na si Ibarra ang maglagay sa ukang bato ngunit tumanggi ito at nagmungkahi na ang Eskribano nalang ang magsagawa nito.
Deslizar: 5
Naghanda si Ibarra ng isang espesyal na okasyon at nagluto ng masasarap na pagkain para sa lahat. Ang mga guro ay nag-organisa ng mga nakakatuwang laro tulad ng poste na may mantika, pagsasabit, at paghampas sa palayok. Nais ni Ibarra na maging matagumpay at kasiya-siya ang pagtatayo ng paaralan. Nagkaroon din ng masiglang musika na tinutugtog ng banda. Naroon ang mga panauhin na inimbitahan ni Ibarra tulad ng alkalde, Kapitan Tiago, sarhento, at Padre Salvi. Naroon din ang magandang Maria Clara, at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan.
Deslizar: 6
Tumanggi si Ibarra na ilagay ang batong panulok at iminungkahi na sa halip ay gawin ito ng eskriba. Ginawa ng eskriba ang ritwal, at bumaba sa hagdan si Padre Salvi at mga piling bisita. Sa pagbaba nila, napansin ng pari ang panginginig ng kanyang mga tuhod, at ganoon din ang nangyari sa ibang mga bisita. Si Ibarra lamang ang hindi kumibo, at sa halip ay kumuha siya ng piko. Biglang naputol ang mga lubid na may hawak sa bato, dahilan para mahulog ito kay Ibarra at napatay sa kanyang paanan ang isang lalaking dilaw ang balat.