Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

justine

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
justine
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Ang Alamat ng Chocolate Hills
  • Noong unang panahon sa probinsya ng Bohol, isa sa mga pulo sa kabisayaan, may lupang malawak. Subalit itoy napakatuyot. Makikita mong biyak biyak ang lupain kapag tag-init. Subalit kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababasa ang iyong mga dala kapag ikaw ay pumasok. Ngunit kung panahon ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.
  • Tag-init
  • Tag-ulan
  • Araw ng Taniman
  • Ayon sa matatanda noon, dumating ang isang araw sa magkabilang dulo ang dalawang higante sa magkabilang bahagi. Ang mga naninirahan doon ay nangagamba na baka magkita ang dalawa. Kayat nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar.
  • May dumating na dalawang higante. Kailangan nating lumisan!
  • Umalis na muna tayo.
  • Tama
  • Sa 'di inaasahang pangyayari ay nagkita ang dalawang higante. Ang isa ay nagmula sa bahaging timog at ang isa naman ay sa bahaging hilaga.
  • “Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan! Ito'y aking pag-aari at umalis ka na!
  • “Aba! Ako yata ang nauna rito at ito'y pag-aari ko na! “ikaw dapat ang umalis!”
  • Noong panahong iyon ay katatapos pa lang ng tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog ng isang putik at binato sa isa. Subalit gumanti din ang isa at humulma ng isang bilog na putik at siya ring binato ng kalaban, walang tigil na batuhan ng binilog na putik.
  • “Hindi maari ito ay pag-aari ko!
  • “Lalong hindi maari!”
  • Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Natumba ang dalawang higante na walang buhay.
  • SPLAT!
  • BANG!
  • Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang mga naninirahan doon at bumungad sa paningin ng mga tao ang mala higanteng bolang putik na siyang ginamit ng mga higanteng sa pagbabatohan. Namuhay sila ng mapayapa at masagana dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate. Ito ang pinagmulan ng chocolate hills ng lalawigan ng bohol.
  • Ang ganda naman dito!
Más de 30 millones de guiones gráficos creados