Ate, saan ka pupunta? Bakit ang laki ng bag mo? Bakit ganyan ang suot mo?
May project lang akong dapat tapusin bunso kaya kailangan ng ganitong suot.
Tama na iyan.
Bakit ba kasi hindi ka nagpaalam?
Naku! Ano ba naman! Paano na iyan?
Tinawagan ako ng Papa mo kanina. Natakot ako kaya hindi ko sinabi kung na saan tayo.
Paniguradong papagalitan tayo kapag nalaman niyang nagsinungaling si Adi.
Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi kami mapagalitan lalo na ang mga kaibigan ko. Sigurado akong ilalayo ako sa kanila. Hindi ko naman puwedeng bawiin ang sinabi ni Adi. Magagalit si Papa sa kanya.
Sabihin mo na lang ang totoo, Sol. Sigurado akong papagalitan ka ng matindi mamaya
Hindi puwede Ela. Papagalitan kayo ni Papa. Mas mabuti nang ako lang ang mapagalitan. Sigurado akong hindi na ako papayagang lumapit sa inyo kapag sinabi ko ang totoo.
Saan ka ba nagpunta, Sol? Hindi ka man lang nagpaalam sa amin bago ka pumunta sa kung saan ka man pumunta. Saan ka namin hahanapin kapag nawala ka?
Pasensya na po kayo Papa. Hindi po ako nakapagpaalam sa inyo. Pumunta po ako sa resort kasama si Tita Mayo. Hindi na po mauulit.
TIta, kapag nagtanong si Papa sa'yo. Sabihin mo na pumunta tayong swimming pool magkasama. Please Tita.
O, siya sige. Basta huwag mo na iyang uulitin. Masyadong mabigat ang ginawa mo. Hindi iyan mabuting gawain ng isang dalaga, Sol. Umuwi ka na. Ako nang bahala kay Kuya.