Isang araw, may dalawang matalik na magkaibigan na masayang naninirahan sa bayan ng Bucaya. Ang dalawang magkaibigang dalaga ay nagngangalang sina Sinag at Ulan. Sila ay magkaibigan na mula noong pinadala sila ni Bathala sa mundo. Si Ulan ay kinupkop ng isang taga-bayan na si Aling Consita na nagsilbing kanyang ina. Si Sinag naman ay kinupkop ng isa ring taga-bayan na si Mang Pedro na nagsilbi namang kanyang ama. Ngunit, si Aling Consita ay may sakit na maaari niyang ikamatay.
Isang hapon, napagpasiyahan ng dalawang magkaibigan na pumasyal sa kabilang bayan. Habang sila ay naglalakad, may nakasalubong silang isang lalaki na nakasakay sa isang kabayo na muntikan silang mabunggo kaya bumaba ang lalaki sa kanyang kabayo at tinanong ang dalawa kung sila ba ay nasaktan. Namangha ang magkaibigan sa lalaki.
Agad namang kinilala nila ang isa’t isa. Ang lalaking nakasalubong nila ay nagngangalang si Hangin. Inaya ng magkaibigan si Hangin na bumisita paminsan minsan sa kanilang bayan para makapasyal rin si Hangin doon at agad naman siyang pumayag.
Sa mga susunod na araw, pumupunta si Hangin sa bayan ng Bucaya upang tuparin ang pangakong kanyang sinang-ayunan. Habang tumatagal ay lalong nagugustuhan ng dalawa si Hangin. Hindi nagtagal ay napag-desisyonan ni Sinag na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Hangin at agad niyang inaya si Hangin sa tabing ilong. Hindi umano’y gusto rin pala ni Hangin si Sinag. Hindi alam ng dalawa na sinundan pala sila ni Ulan at narinig ang lahat. Kinompronta ni Ulan si Sinag. Agad namang tumakbo pauwi si Ulan dahil sa nadarama niyang lungkot at galit.
Pagdating ni Ulan sa kanilang tahanan, nakita niyang nakahiga sa sahig ang kanyang ina at walang malay. Dito na rin niyang nalaman na wala nang buhay ang kanyang ina. Lalo na itong napuno ng lungkot at galit. Makalipas ang ilang araw, hindi ginustong umiyak ni Ulan dahil mas gusto niyang magpakatatag. Ngunit, hindi nagtagal, pinuntahan ni Sinag si Ulan sa tahanan nito at sinubukang kausapin ang kaibigan. Agad na ring naiyak si Ulan dahil hindi na niya kaya pang itago ito at niyakap ni Sinag si Ulan.
Sa huli, nagkasundo ang dalawa at nakahanap na rin ng mapapangasawa si Ulan. Lumaki ang dalawa at nagkaroon ng mga anak na tiyak na magiging magkakaibigan rin.