Ama, nais ko makuha ang aking mana. Mga pera at ari-arian sana.
Sa wakas! Makakapunta na ako kahit saan ko gusto at makakabili ng kahit ano!
Palimos po mga Ginoo! Tulungan niyo po ako!
Isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama.
Patawarin niyo po ako! Mali ang aking naging desisyong lumisan at ubusin ang aking yaman!
Aking anak...
Pagkatapos na matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama.
Ama! Bakit ganito!? Paano akong palaging sumusunod sa iyo?
Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon pa.
Anak, huminahon ka, lahat ng tao sa mundo ay nagkakamali sapagkat tayo ay mga tao lamang. Ang mahalaga ay marunong tayo magpatawad at matuto sa leksyong ating hinarap mula sa pagkakasala.
Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan siya. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso.
Bunga nito, nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito.
Sa dakong huli, dahil sa sinabi ng kanyang Ama ay nagbago ang kanyang saloobin at pinatawad ang kapatid.