Sige, bes! Sabik na rin ako makagala. Sasamahan ba tayo ni tita?
Tanders na si mudra e. Baka hindi na yun sumama. Pero sigurado nang sasama kayo ha! Kung hindi, kakaladkarin ko kayo papuntang SM.
Mga mare, samahan niyo pala ko mamaya pumunta ng SM. May bibilhin pala ako para sa isang proyekto.
Hahaha! Huwag na nating tuksuhin si Jacob. Hindi nanaman yan pumasok bukas sa paaralan.
Aba, Jacob! Balita ko wala na kayo nung kasintahan mo. Sariwa pa ba ang sakit na nararamdaman mo ngayon?
Wala naman talagang pasok kinabukasan. Kung bukas man ang school, hindi pa rin ako papasok. Hindi niyo ako maloloko!
Sige! Saglit lang, intayin niyo ako baka matalo kayo kung wala ako. Hahaha! Kanser pa naman kayong dalawa maglaro.
Naka-connect na kayo, diba? Tara maglaro ng Mobile Legends bago umalis. Kailangan ko na pataasin ang rank ko.
Ano palang password ng internet ninyo, Anna? Gusto ko sana mag-tweet sa Twitter na andito ako sa bahay niyo. Hahaha!
Sige Ma! Malapit na kami matapos dito.
Noong panahon ko, wala pang internet at puro pasulat na liham lamang ang ginagawa namin. Tama na yang laro ninyo at kumain muna kayo bago kayo umalis.
Hindi na ako sasama. Kayo nalang mga bagets muna.
Maraming salamat po, Tita! Sasama rin po ba kayo sa amin sa SM?
Meron ba? Alam ko nagsaing uli si Mama.
May natira pang kanin mula kaninang umaga? Kung ganon, tara na uli kumain.
Yun oh! Tamang tama may bahaw akong nakita.
Yung bahaw na ibon sa labas ang tinutukoy ko. Tingnan niyo oh!
Anna, anong petsa na? Ang shala naman yata ng kasuotan mo. Hindi na raw sasama si mudra mo kaya tara na.
Ang bongga ng suot mo ah! Kung ganon, tara na para malubos natin ang gala.
Hindi na sasama si Mama. Tanders na yun kaya ayaw niya nang sumama. Dito nalang daw siya sa bahay.