Bukod sa pagiging matulungin, mahilig din siyang magkuwento. Tuwing dapit-hapon, kapag tapos na ang mga bata sa gawaing eskwela at bahay, nagkukumpol-kumpol sila sa may harapan ng kubo. Lahat ng mga bata ay namamangha sa mga kuwento ni Apo Sagin. Marami siyang kuwento nang pakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Maging ang mga nakakatanda ay napapatigil at saglit na nakikinig.
Sabi nila na kathang-isip lamang ang mga iyon ngunit ang mga bata ay naniniwalang totoo ang mga iyon. Ipinaghahanda rin ni Apo Sagin ang mga bata at kung sino mang bumisita sa kanya ng minatamis na mga merienda.
Isang araw, mangahoy si Apo Sagin. Isang lalake ang nakita niya na halos maghingalo na sa gutom. May sugat din ito sa isang paa na halos mamaga na sa impeksyon. Agad naman niya itong tinulungan, at iniuwi sa kanyang kubo upang pakainin at gamutin ang sugat nito.
Isang araw nangahoy si Apo Sagin. Isang lalake ang nakita niya na halos ang maghingalo na sa gutom. May sugat din ito sa isang paa na halos mamaga na sa impeksyon. Agad naman niya itong tinulungan, at iniuwi sa kanyang kubo upang pakainin at gamutin ang sugat nito.