Si Anton ay nag post sa "social media" ng larawan tungkol sa pagmamahal sa ibang kasarian. Nag post din si Anton sa social media ng kaniyang "coming out journey" ngunit napansin niya na maraming tao ang nagpopost ng mga masasama at malaswang salita tungkol sa kaniyang kasarian. Sinasabi din ng ibang kumento na labag ito sa bibliya.
Nalito at nalungkot si Anton kung bakit maraming nagkumento ng masasamang salita sa kaniyang "post sa social media". Nais lamang naman niya mag post nito para makita ng iba na hindi masama magmahal ng katulad na kasarian.
Sinabi ni Anton ang kinalabasan ng post niya sa "social media" sa kaniyang matalik na kaibigan na si Christine. Nalungkot ang kaniyang matalik na kaibigan sa naranasan ni Anton.
Kaya naman gumawa si Christine ng paraan para mapataas ang diwa ni Anton dahil samalalaswang kumento na kaniyang nabasa sa post niya.Dahil diyan gumawa si Christine ng "meeting"tungkol sa pagtitiwala sa sarili at pagiging masaya sa kaniyang sariling kasarian.
Dahil sa ginawa ni Christine lumakas ang loob ni Anton at nag post siya tungkol sa kaniyang naranasan tungkol sa kaniyang huling post. Ang nais na ipakita dito ni Anton ay kahit modernong taon na, marami paring tao ang ignorante sa mga bagay katulad nito. May mga tao parin na hindi natanggap sa mga taong namamahal lamang ng katulad na kasarian. Kaya ginawa ni Anton ang sarili niyang halimbawa para mabigyan pansin ng mga tao lalo na ang bagong henerasyon na walang masama dito.