Sige anak. Gamitin mo ang iyong kayamanan ng maayos at matalino.
Nagsimula ang parabula sa isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.
Patawarin mo ako, ama. Nagkasala ako sa Diyos at sa iyo.
Pagkatapos makuha ng bunso ang kanyang mana, siya ay nangibang bayan. Walang habas niyang nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng kanyang ama.
Anak ko, ikaw ba 'yan?!
Ngayong dumating ang alibugha ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang!
Akong masunurin ninyong anak ay hindi ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang!
Hiniling ng bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa kanya.
Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita.
Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng akin ay iyo.
Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Dahil sa sobrang gutom at paghihirap, napagpasyahan niyang bumalik sa kanyang ama.
Dahil sa pagbabalik ng anak, labis ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang nagbalik na anak. Inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng pinakamagarang mga kasuotan, alahas, at pinaghandaan ng espesyal na pagdiriwang.
Nang malaman niya ang sanhi ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili at sinumbatan ang ama. Kaya naman, sumagot nang marahan ang kaniyang ama.