Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

NSTP

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
NSTP
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Isang araw sa isang komunidad, ang sampung-taong gulang na nangangalang Jek-Jek ay pumunta sa bahay ng kaniyang kaibigan na si Cham.
  • Si Jek-Jek at si Cham ay gumagamit ng kaniyang kompyuter para gawin ang kanilang takdang aralin. Habang sila ay mabuting sumasagot, may biglang lumitaw sa kanilang kompyuter. Isang kahon na may imahe ng isang babaeng tila gustong makipagusap.
  • Nag-tinginan ang dalawang magkaibigan at hindi nila alam ang kanilang gagawin.
  • Tumango naman ang dalawa."Nay, pwede po ba kami maglaro muna ni Jek-Jek sa labas?""Oo naman pero pagkatapos ninyo, tapusin niyo na ang takdang aralin. Maliwanag?""Opo!" maligayang sagot ng dalawang magkaibigan.
  • Nang biglang lumapit ang nanay ni Cham sa kanila, "Oh, tapos na ba kayo sa inyong ginagawa?""Malapit na po." sagot ni Cham.Napatingin naman bigla ang nanay sa kompyuter at nakita ang lumitaw na imahe. Agad-agad na sinara ng nanay ang mensaheng iyon at sinabing, "Kayong mga bata, huwag na huwag ninyong pipindutin tuwing may makikita kayong ganoong imahe. Ok?"
  • Tumakbo na si Jek-Jek at Cham sa labas papunta sa kanilang laruan para kitain ang isa pa nilang kaibigan. Masiglang binati ni Jek-Jek ang kanilang kaibigan na si Veneah, "Hello Veneah!"
  • "Hi Jek-Jek! Laro tayo habul-habulan."Sumangayon naman sina Jek-Jek at Cham."Maiba, taya!" banggit ng tatlong magkakaibigan."Jek-Jek! Ikaw taya!" sabi ni Cham bago siya tumakbo.
  • Nagsimula nang maglaro ang tatlong magkakaibigan. Hinabol ni Jek-Jek sina Cham at Veneah. Sa kaniyang pagtakbo, napansin niya na tila nawawalan ng kulay ang kanilang komunidad. Hindi lamang ito Ang kulay kundi lumakas na rin ang hangin, at naninilim ang langit. Pero patuloy pa rin siyang tumakbo upang hanapin sina Cham at Veneah.
  • Sa isang liblib na kalye, napansin ni Jek-Jek na may umiiyak na bata sa katabing eskinita kaya siya ay lumapit dito. Subalit takot ay pumalibot sa kaniya nang makita niya ang isang batang tila sinasaktan ng isang matandang lalaking nangangalang, Nakit.
  • Hindi makagalaw si Jek-Jek dahil sa gulat mula sa kaniyang mga nakita. Napansin siya ng kaniyang dalawang kaibigan at lumapit sa kaniya, at sabay-sabay nilang natunghayan ang pananakit ni lalaki sa bata. Nagulat si Cham at napasigaw. Narinig ni Nakit ang sigaw ni Cham at lumingon ito sa tatlong magkakaibigan. Sa takot nina Jek-Jek, Cham, at Veneah, sabay sabay silang tumakbo at umuwi sa kani-kanilang mga bahay.
  • Image Attributions: (https://pixabay.com/en/exclamation-mark-exclamation-point-350199/) - kropekk_pl - License: Free for Commercial Use / No Attribution Required (https://creativecommons.org/publicdomain/zero/1.0)

Atribuciones de la Imagen

Más de 30 millones de guiones gráficos creados