Ipinasa ni: Charize Mae Carurucan Grade 10 Heisenberg
ISIP AT KILOS - LOOB
Josh, hindi ba't sina Cj at Mj ang mga iyon? Ang pagkakaalam ko ay hindi sila pumasok dahil sinabi nilang may sakit sila.
Hapon ng Lunes nang magkasundo ang dalawang magkaibigang sina Josh at John na sabay nang umuwi. Habang sila ay naglalakad, nakita nila ang dalawang kaklase nilang hindi pumasok na nakatambay at umiinom.
Oo nga! sila nga ang mga iyan. Pero hindi sila nai-absent dahil sabi nila may sakit sila. Hindi ito maaari dapat natin silang pagsabihan. Sila ay nagsinungaling at hindi ito maaari..
Nang papaalis na sina Cj at Mj, napagdesisyonan nina Josh at John na sundan sila at Pagsabihan .
Tara! puntahan natin sila!Hindi tama ang kanilang ginawang pagsisinungaling at dapat natin silang pagsabihan habang maaga pa .
Tama ka! kailangan nga natin silang tanungin kung bakit nila nagawang magsinungaling para lamang lumiban sa klase.
Cj at Mj, paumanhin sa istorbo. tatanungin lang namin sana kung bakit kayo nagsinungaling na may lagnat at hindi pumasok sa paaralan?
Sa kanilang pag-uusap, nakumbinsi nina josh at john ang dalawang pumasok sa paaralan at sabihin sa kanilang guro ang katotohanan
Nagawa lang namin yun dahil walang maibigay ang mga magulang na baon namin. Mahirap lang kase kami kaya paki usap na huwag ninyong sasabihin sa ating guro ang katotohanan baka kami ay mapahamak pa.
Naiintindihan namin kayo pero dapat sinabi ninyo ang totoo at hindi na kailangang magsinungaling pa. Tiyak naman na maiintindihan kayo ng ating guro..
Tama nga si josh, at dapat bukas na bukas ay kailangan ninyong pumasok at sabihin sa ating guro ang totoo.
Walang ano man at salamat din sa maayos na pakikipag-usap sa amin.
Kinabukasan, pumasok sa paaralan sina Cj at Mj at sinabi sa kanilang guro ang totoo at ito'y naintindihan naman ng kanilang guro. Simula noon ay nag-aral na ng mabuti sina Cj at Mj at naging matalik na magkakaibigan ang apat.
Maraming salamat sa inyong dalawa.
Salamat, dahil pinagsabihan ninyo kami kung ano ang tamang gagawin