Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig.
Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito.
Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses.
Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao.
Napansin mo ba? Isa sa mga nagsiganap ay hindi artista.
Oo naman.
Hindi niyo ba nakita si Simon?
Sa palagay ko ay hindi siya sumipot.
Hindi, eh. Sa tingin niyo ba ay wala siya dito?
Anong opinyon niyo tungkol sa wikang pranses? Nagandahan ba kayo?
Ayos lang. Hindi ako nagandahan pero hindi rin naman ako napangitan.
Anong pinagsinasabi mo? Ang pangit kaya. Ang hirap pang intindihin!
Salamat sa mga nagsalin at naintindihan ko ang kahulugan nito kaya mas lalo ko siyang napahalagahan.