Malapit ang bahay nina Baste sa daungan kung kaya't lagi silang namamaysal ni Pancho doon. Mabait ang aso at parehas ilang kilalang-kilala ng mga nagtatrabaho doon.
Halos araw-araw pagkatapos ng klase ay naglalakad sila papunta doon at hinihintay nila ang paglubog ng araw. Subalit, habang lumilipas ang panahon at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Baste, wala na siyang oras para kay Pancho.
Nakapagtapos ng kolehiyo si Baste ngunit ibang-iba na ito lalo na noong nakapagtrabaho at nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay
Pumanaw ang Tiyo ni Baste bago pa sila lumipat sa bago niyang bahay. Isinama niya si Pancho ngunit malungkot pa rin ito.
Madalang lang kasi silang makapaglaro. Palaging umaalis ng bahay si Baste o 'di kaya'y pinupuntahan siya ng mga kaibigan niya sa bahay niya. Pati pag-uugali niya ay nag-iba na.
Isang araw, umuwi ng lasing si Baste. Nakatyempo naman na sobrang nananabi si Pancho sa kanya kung kaya't tumakbo ito patungo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy siya ni Baste. Nagtampo ang kawawang aso.
Kinabukasan, pagkagising ni Baste, wala si Pancho sa bahay nila.
Hinanap niya kung saan-saan. Bumalik na rin siya sa dati nilang bahay ngunit wala ang aso doon.
Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa Tito niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad siyang pumunta roon.
Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya yung mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.
Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa narinig niya. Agad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanunuod ng paglubog ng araw.
"Baste! Ang tagal mo na'ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso mo sa iyo dito.", sabi ng guwardiya.