Inay, sasabog po ba talaga ang bulkan? Sabi-sabi po kasi ng mga kapitbahay na sila ay naka-aamoy ng masangsang na baho mula rito at sabi sasabog ng malala ang bulkan sa susunod na mga araw.
Hindi ako sigurado diyan, anak. Hayaan nalang natin na mapalabas sa radyo iyan bago tayo maniwala.
SUSUNOD NA LINGGO...
Nay, tay, at kuya narinig niyo po ba iyon?! Kailangan na po natin mag-evacuate, baka tayo pa ay mapahamak.
...Paalala lang po ulit, lahat ng mga pamilya na naninirahan malapit sa Mt. Pinatubo, paki-usap lang po kayo ay umalis at mag-evacuate na. Nag-aalburoto na po kasi ang bulkan at ito ay lubhang delikado.
Hala!! Ihanda na dapat natin lahat ng ating mga gamit para tay-
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
Tao po! Tao po!
Bibigyan lamang po namin kayo ng ilang mga minuto upang maka-alis, binalitaan kasi kami na may lava na, na umaagos pababa mula sa crater ng bulkan, at kayo ang unang ma-aapektuhan!
Puwede bang dalian ninyo, huwag na kayong magbitbit ng kung ano-ano pa!