Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

Noli me Tanghere Kabanata XLV

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
Noli me Tanghere Kabanata XLV
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Sa isang yungib sa kagubatan ay natagpuan din sa wakas ni Elias si Kapitan Pablo. Anim na buwan din silang hindi nagkita at may dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan.Malapit silang dalawa sa isa’t isa at tinuturing din niyang isang ama ang Kapitan. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay kaya sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na isama ito sa mga lupain ng katutubo upang makapamuhay ng payapa ang matanda at makalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan ni Kapitan Pablo ang paanyaya ni Elias dahil naninindigan siya na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan.
  • bakit pa ako magpapakadusta sa ibang lupain? ano ang dahilan ng ganito kong pamumuhay na tulad ng isang halimaw na pinag-uusig? isang sugo ng Diyos sa lupa ang naglugso ng puri ng anak kong babae
  • Sumama kayo sa akin, ituring ninyo akong tunay na anak at kayo'y aariin kong ama sapagkat kapwa tayo sawi at wala ni isa mang nalalabing kamag-anak
  • May tatlong anak ang matanda, dalawang lalaki at isang babae. Ang anak niyang dalaga ay pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan kaya ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari. Nagpunta ito sa kumbento ngunit tila nagkaroon umano ng nakawan doon kaya naman pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Datapwat hindi man napatunayan ang nasabing nakawan ay hinuli pa rin ito at ibinitin, at nakatikim pa ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. ‘Di na tinugon ng Kapitan ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ni hindi man lang naparusahan ang kura bagkus ay inilipat lamang sa ibang lugar.
  • pagkatapos ay nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isang anak ko'y isinuplong. Ang isa'y hindi nadamay sapgkat wala siya noon sa bayan. Ang anak ko'y ibinitin sa kanyang buhok at narinig ko ang kanyang mga sigaw mga daing at pagtawag sa kanyang ama ngunit naging duwag ako
  • Ang bintang na pagnanakw ay hindi napatunayan. napagkilalang yao'y kasinungalingan kaya't inilipat ang kura sa ibang bayan, ngunit anak ko'y patay na. Ang isa kong anak na hindi duwag ay hinuli dahil pinangangambahang maghiganti
  • Para sa Kapitan ay wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Aniya’y lulusob sila sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig din ng pamahalaan. Ito nama’y nauunawaan ni Elias kaya nasa Kapitan ang simpatya nito. Minsan na ring hinangad ni Elias na makapaghiganti ngunit kinalimutan na lamang niya ito dahil sa kagustuhang wala ng madamay pa dito.
  • Maaari ka pang makalimot sapagkat bata ka pa at hindi nawawalan ng huling pag-aasa, ako'y asahan ninyong hindi papatay ng walang sala.
  • May katwiran kayong maghiganti, katulad ninyo ako at dahil sa ayaw kong makasugat ng walang sala ay nilimot ko ang aking kasawian
  • Sinabi din ni Elias sa Kapitan ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ibinida niya rito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Dagdag pa ni Elias ay makatutulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral ng tungkol sa mga hinaing ng bayan.
  • mayaman ang wika mo? ang mayayaman ay walang naiisip kundi magpayaman. iya'y alam ko sapagkat ako'y naging mayaman!
  • Ginoo, ako'y nagkapalad na makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, at nagmamahal sa kanyang bayan. Siya'y may lakas sapagkat kaibigan siya ng kapitan heneral. kung sakaling siya'y pumayag sa atin ay hindi ba kayo sasang-ayong siya'y papagdalhin ng karaingan ng bayan upang tayong mga aba'y lingapin?
  • Siya po'y iba, siya'y isang anak na nagdaramdam sa pagkadusta sakanyang ama. Siya'y malapit nang mag-asawa kaya't isang magandang bukas ang ilalaan niya sa kanyang magiging anak
  • Ang binata'y yinakap ng matanda
  • Sakali mang pumayag siya at makarating sa kapitan heneral ang ating mga daing at ipalagay na nating siya'y makatagpo sa Madrid ng mga kinatawang magtatanggol sa atin, sa palagay mo kaya'y pakikinggan ang ating mga karaingin
  • Subukan po muna natin bago tayo gumawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagdanak ng maraming dugo
  • Sa ikaapat na araw ay patunguhin ninyo sa baybayin ng San Diego ang isa ninyong tauhan at sasabihin ko sa kanya ang sagot. kung siya'y sasang-ayon ay magtatamo tayo ng katarungan at kung hindi, ako ang unang kasama ninyong maghahandog ng buhay sa pakikilaban.
  • Ikaw na ang bahalang magsabi ng ating mga daing. kailan ko malalaman ang sagot?
Más de 30 millones de guiones gráficos creados