Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

PT AP6

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
PT AP6
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Maraming pagbabago sa pamahalaan ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Tulad ng pagtatatag ng pamahalaang militar at sibil. Dumating sa Pilipinas ang 2 komisyon na ipinadala ni Pangulong William Mckinley, ang komisyong Schurman at Komisyong Taft. Itinatag ang pamahalaang sibil sa Pilipinas at naging gobernador-sibil si William Howard Taft.
  • Ang pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas ay may 2 anyo, ang kooptasyon at pasipikasyon. Ang patakarang kooptasyon ay ang paghihikayat sa mga Pilipipinong tanggapin at makiisa sa mga Amerikano kapalit ang mapayapang pamumuhay. Ang pasipikasyon naman ay ang sapilitang pagpapayapa sa bansa, paghadalng sa mga naghihimagsik at pagsupil sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
  • Nagkaroon ng pambansang halalan para sa pagtatatag ng Philippine assembly. Ang mga Sedition law, Brigandage Act, Reconcentration Act at Flag Law ay mga batas sa pagsupil ng Nasyonalismong Pilipino. May mga pagbabago din sa ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano.
  • Ipinatupad ang malayang kalakalan, ito ay ang pagpapalitan ng produkto ng mga bansa nang walang limitasyon sa pagluwas at pag-angkat ng mga produkto. Ipinatupad ang Payne-Aldrich Tariff Act at Underwood-Simmons Act. Masasabing umunlad ang ekonomiya ng Pilipnas pero tuluyan itong kinotrol ng mga Amerikano.
  • Pagdating sa aspektong panlupa, maraming patakaran ang ipinatupad ng mga Amerikano na hindi kumilala sa ancestral domain ng mga katutubo. Ginamit nila ang Doktrinang Regalian, na ang lahat ng mga lupa na walang titulo ay magiging pag-aari ng estado. Nagkaroon din ng batas tungkol sa pagmamay-ari at paggamit ng lupa ng mga indibidwal at korporasyon.
  • Lumawak ang impluwensya ng mga kompanyang Amerikano at ilang mayayamang Pilipino. Nagkaron ng mga plantasyon sa Mindanao, pinya sa Bukidnon, abaka sa Davao at goma sa Basilan. Gayundin ang minahan at trosohan sa Cordillera at Mindanao.Hanggang sa muli nating pag-aaral. Sana ay may natutunan kayo sa ating aralin.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados