Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

KALIGIRAN NG IBONG ADARNA

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
KALIGIRAN NG IBONG ADARNA
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ito ay sa dahilan ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europe tulad ng Romania, Denmark,Austria, Alemanya, at Finland.
  • Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa Pilipinas na ginagamit namang instrumento ng mga Espanyol upang mahimok ang mga katutubo na yakapin ang relihiyong Katolisismo.
  • Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang ito, sinasabi ng maraming kritiko na umaangkop naman sa kalinangan at kulturang mga Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang mga natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa nakatatanda, pagtulong sa mga nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob,
  • Sa katunayan ng akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas sapagkat ang mahihirap na Pilipino na sakbibi ng hirap ay sakit dahil sa kahirapan kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay pansamantalang nakatakas sa kanyang tunay na kalagayan sa sandaling mabasa o mapanood ang akdang ito ilagay ang kanilang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.
  • Sa maraming mga koridong nalimbag at naisulat sa Pilipinas, ang Ibong Adarna ang higit na tumanyag sapagkat bukod sa ang mga sipi nito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang isinasagawa tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga entablado na tulad ng komedya o moro-moro.Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging ang mga nakalimbag na kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at baybay ng mga salita.
  • Dahil sa mga aral na makukuha sa korido ay ginawa itong kabahagi ng pag-aaral ng mga kabataan at isa sa mga akdang pampanitikang tinalakay sa hayskul.Ang kwento ng Ibong Adarna ay isinulat bilang isang korido o isang uri ng awit na mayroong walong pantig ang bawat taludtod.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados