Búsqueda
  • Búsqueda
  • Mis Guiones Gráficos

Untitled Storyboard

Crear un Guión Gráfico
Copie este guión gráfico
Untitled Storyboard
Storyboard That

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Crea tu propio guión gráfico

¡Pruébalo gratis!

Texto del Guión Gráfico

  • Ang San Diego ay matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Isa itong maalamat na bayan sa Pilipinas. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayang ito na kulang sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo.
  • Kapansin-pansin dito mula sa tuktok ng simbahan ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Wala itong pinagkaiba sa ibang mga bayan sa Pilipinas na pinamumunuan ng simbahan kung saan ang pamahalaan ay sunud-sunuran lamang dito.
  • May isa umanong matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego ayon sa alamat. Ito diumano ay bumili ng gubat sa pook na iyon kung saan ang kanyang ipinambayad ay ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi.
  • Kinalaunan ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya’t sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog.
  • Di nagtagal ay dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Sinikap niyang sinupin ang naiwang ari-arian ng ama. Siya ay nakapag-asawa ng isang taga-Maynila at nanirahan sila sa San Diego. Nagkaroon sila ng isang supling at ito ay si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra.
  • Kinagiliwan ng mga magsasaka si Don Rafael at dahil sa pagsusumikap nito ay naging bayan mula sa pagiging nayon ang San Diego. Ang pamumunong ito ni Don Rafael ang sinasabing naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan kalaunan.
Más de 30 millones de guiones gráficos creados