Berandoy : Sige ba, at ako rin dadaan din duon upang manghingi ng bulaklak at ipagpapalit ko ito sa isda na matitira sa ating pangngingisda.
(Mahigit apat na oras bago matapos sa pangngingisda sina Andre at Luther at pagkatapos dumaan sila sa hardin ni Aling Keithlyn)
Berandoy : Magandang hapon po Aling Keithlyn, nais ko po sana manghingi ng inyong bulaklak kapalit po ng natira na isda galing po sa pangngingisda namin
Keithlynver : Magandang hapon rin sainyo! Sige ba, sandali lang at akoy magpipitas ng bulaklak.
Berandoy: Maraming salamat po Aling Keithlyn.
Keithlynver : Heto oh.
Bacalan: Ah Aling Keithlyn matanong ko lang po, meron po ba kayong ibang kasama na nagaalaga ng inyong hardin katulad ng isang diyosa?
Keithlynver : Wala, ako lang ang magisa rito. Bakit ninyo natanong?
Bacalan : Ah, napakagana ho kasi ng mga bulaklak po ninyo na tila bang hindi ito nalalanta.
Keithlynver : Ah, Inaalagaan ko lang kasi ang aking mga bulaklak na ito at sinisigurado ko na hindi ito nalalanta.