Suche
  • Suche
  • Meine Storyboards

Kabanata 29

Erstellen Sie ein Storyboard
Kopieren Sie dieses Storyboard
Kabanata 29
Storyboard That

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Storyboard-Text

  • Sa kabanatang ito, nag-uumapaw ang pagdiriwang ng kapistahan sa bayan. Maagang nagtipon ang mga banda ng musiko at nagsimula ang pagpapatugtog habang sinasabayan ng kampana at paputok. Ang mga mamamayan ay nagbihis ng kanilang pinakamagagandang kasuotan at alahas upang makisaya sa kaganapan.
  • Si Pilosopo Tasyo ay hindi sumang-ayon sa pagdiriwang dahil ito ay pagpapakitang tao lamang at paglulustay ng pera. Naniniwala siya na marami pang mahahalagang bagay na dapat paglaanan ng pondo at atensyon, kasama na ang mga hindi pa natutugunang hinaing ng bayan. Samantala, kahit sumasang-ayon si Don Filipo sa pananaw ni Pilosopo Tasyo, hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na tutulan ang kapangyarihan ng mga pari.
  • Ang mga mamamayan ay naghihintay sa labas ng simbahan kasama ang mga kilalang personalidad sa San Diego. Sinadya naman ni Padre Damaso na magkasakit upang makuha ang atensyon at importansya mula sa iba.
  • Samantala, inumpisahan ang prusisyon ng mga santo bandang alas-otso ng umaga. Dito, mapapansin ang malinaw na diskriminasyon sa lipunan sa pagkakahiwalay ng mga naglalakad sa prusisyon. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tiago natapos ang prusisyon na sinusubaybayan ng mga Kastila, ni Maria Clara, at ni Ibarra.
  • Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis at batingaw ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko.
  • May lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral.
Über 30 Millionen erstellte Storyboards