Suche
  • Suche
  • Meine Storyboards

Bantugan

Erstellen Sie ein Storyboard
Kopieren Sie dieses Storyboard
Bantugan
Storyboard That

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Storyboard-Text

  • Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao na may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsepe Madali at ang nakababata ay si Prinsepe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsepe bantugan ng magagandang katangian na higit sa kaniyang nakatatandang kapatid. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsepe Bantugan ay napaka talino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kaniyang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong laban.
  • Bantugan
  • Ako si Prinsepe Madali.
  • Ako naman si Prinsepe Bantugan.
  • Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng Diyos! sabi naman ng isa. Halika, pasalamatan natin ang prinsepe sa pagpatay sa halimaw! sabi ng pinuno ng bayan.
  • Napaka lakas niya!
  • Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Prinsepe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsepe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsepe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsepe.
  • Si Prinsepe Bantugan ang karapat-dapat na maging hari!
  • Kaya niya tayong protektahan sa mga kaaway.
  • Si Prinsepe Bantugan ay malakas at matapang.
  • Hindi ito pinansin ni Prinsepe Bantugan. Alam niya na ang kaniyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsepe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa kaniyang kapatid.
  • Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno.
  • Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan. Nalungkot si Prinsepe Bantugan sa iniutos ng kaniyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakahahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kaniya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kaniyang minamahal. Walang gustong kumausap sa kaniya sa takot ba baka makulong o maparusahan ng hari.Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasya ang prinsepe na lisanin ang kaharian at siya'y naglagalag.
  • Hindi ko gusto na kahit sino sa inyo ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsepe Bantugan!
  • Siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat. Ang hari dito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bangkay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsepe Bantugan na mula sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali
Über 30 Millionen erstellte Storyboards