Ahm, 'Ma, magpapaalam po sana ako. May gagawin po kaming proyekto ng aking klasmeyt. Pwede po ba akong umalis mamaya?Hindi po ako magpapagabi.
O' sige 'nak. Aalis din naman ako mamaya, wala kang kasama rito sa bahay.
Kate, nandito ka na!. Kanina ka pa namin hinihintay.
Mabuti naman at pinayagan ka ni Tita manood ng sine.
Nakarating ang magkakaibigan sa mall at mapagdesisyunan muna nilang maglibot.
Oo nga eh, aalis din daw kasi si Mama at walang magbabantay sa akin kaya pumayag siya.
Bumili na rin sila ng ticket.
Habang naglalakad papunta sa loob ng sinehan.
Bilisan niyo na dahil malapit na magsimula!.
Sa harap tayo umupo.
Oo nga sa harapan tayo para mas maganda ang panonood natin.
Ang ganda ng movie 'no. Parang gusto ko ulit panoorin.
Pagtapos ng napanood nilang movie ay nagplano silang kumain na.
Nakakabitin naman!!!gusto ko ng part 2!.HUHUHU
Tumigil ka na nga sa kakaiyak Justine. HAHAHAHA. Kumain na tayo.
Hala! Mama nandito rin po pala kayo.
Anak! Nandito ako. Anong ginagawa mo rito?!
Oh' bakit parang nakakita ka ng multo?.
Hello po Tita! kami po yung kaibigan ni Kate.
Akala ko ba gagawa kayo ng project? Biruin mo't nagkita pa tayo sa mall. Kahit kailan talagang bata ka! HAHAHAHAHA
Pasesnsiya na Ma, akala ko kasi hindi mo ako papayagan kasi gabi na po ako umuwi nung nakaraan. Hindi na po mauulit.
Tita, pasensya na po. Ang sabi niya ay pinayagan niyo raw po siya dito sa mall.