Oo at naging oportunidad nya ang pagkakaroon ng komersiyal na ani tulad ng Tobacco, Bulak, Jute at Tubo na iluluwas sa ibang bansa.
Si Gobernor-Heneral Jose Basco Y Vargas pala ang isa sa nagpatupad ng patakarang ekonomiko?
Sa panahon nya rin naitatag ang Royal Company upang mapatupad ang monopolyo ng tabako.
Gleiten: 2
Ipinagbawal rin nila sa mga magsasaka ang pagbenta ng tabako sa iba at sa pamahalaan lamang na kumokontrol sa presyo ng tabako maaring ibenta ang kanilang ani.
Dahil dito naging ekslusibong taniman ng tabako ang mga palayan at mga lupaing hindi pa natataniman.
Binigyan din nila ng kota ang mga magsasaka at kapag hindi nakamit ang itinakdang kota ay pinagmumulta sila.
Gleiten: 3
Ang ganitong sitwasyon ay umiral sa loob ng isang siglo mula 1770 hanggang 1880. Kahit may ani ang tabako nalugi pa rin itong Royal Company kaya ito ay binuwag.
Ang monopolyo ay inalis dahil sa pagbaba ng kita ng pamahalaan mula rito. Nanatiling pangunahing produkto pa rin ng mga lalawigan na pinagpatuparan nito ang tabako, ngunit naging malaya na sila sa kontrol ng pamhalaan.
Ibayong hirap ang naransan ng mga magsasaka dahil hindi sila maaring magtanim ng ibang produkto na naging dahilan ng kagutuman.