Si Chivas ay naatasan ng kaniyang guro na pumunta sa isang ilog na kung saan ay tanyag sa pagiging maganda nito upang magsaliksik.
Gleiten: 2
Ang Pagkikita
Sino ka? Paano ka napunta rito?
WAAAAAH!
Habang nasa ilog, may nakita siyang isang estrangherong tao at nakumpirma niya na ito ay isang diwata, maaaring ito ang nagbabantay sa magandang ilog. Si Chivas ay napasigaw at agarang natakot.
Gleiten: 3
Ang Pag-uusap
Pasensya na po! Inatasan lang po kaming maghanap ng isang magandang heograpiyang pisikal ng aming guro.
Huwag kang matakot sakin! Halika, aking ikekwento sayo ang ang ilang mga impormasyon tungkol sa mga ilog.
Agad siyang lumuhod sa pag-aakalang galit ang diwata sa kaniyang pagpunta sa ilog ngunit agad siyang nagulat nang ito ay ngumiti sabay presinta na siya ay magbabahagi ng kaniyang kaalaman.
Gleiten: 4
Ang Pagbabahagi ng Kaalaman
Ang ilog ay isang uri ng anyong tubig na kilala sa pagiging malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos.
Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa mga tao noong unang panahon.
Ibinahagi ng diwata ang kaniyang kaalaman kay Chivas na sobrang impormatibo at makakatulong sa kaniyang pagsasaliksik,
Gleiten: 5
Ang Pagpapasalamat
Walang anuman! Sana ay marami kang natutunan!
Napakalaking tulong ng iyong mga sinabi. Maraming salamat po!
Matapos ang pagbabahagi ng kaalaman, nagpasalamat na si Chivas sa diwata at siniguro nito na marami siyang natutunan.
Gleiten: 6
Ang Pagpapaalam
Ingat ka! Hanggang sa muli!
Mauuna na po ako. Paalam!
Nagpaalam na si Chivas at ang diwata sa isa't isa. Natapos ni Chivas ang kaniyang pagsasaliksik at ito'y agarang ikinatuwa ng guro.