Suche
  • Suche
  • Meine Storyboards

Alamat ng Cellphone

Erstellen Sie ein Storyboard
Kopieren Sie dieses Storyboard
Alamat ng Cellphone
Storyboard That

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Storyboard-Text

  • Minsan sa isang maliit na bayan sa bibig ng look ng Maynila,may isang mag-ina, isang mag-ina na katulad ng maraming Pilipinong pamilya ay napilitang mapaghiwalay ng milya-milyang dagat. Katulad ng madaming pamilya ng bagong henerasyon ang ilaw ng tahanan, ang dapat na mapang patnubay na mga kamay ng isang ina ay naghuhugas ng plato sa isang banyagang lupain.
  •  Nakahanap siya ng isang disenteng trabaho bilang isang sertbedora sa isang local na“fastfood” sa California, pero para nga namang nagbibiro ang tadhana, makalipas lamang ang tatlong lingo matapos siyang matanggap sa trabaho, biglaang nagsara ang restawran na kaniyang pinagtratrabahuhan.
  • "The economic crisis was too big to avert. It was simply inescapable. Sorry guys. It seems this is goodbye.”
  •  Natagalan bago nakahanap si Pinang ng trabaho. Ginalugad niya ang bawat sulok ng estado,nakitra sa mga kapwa Pilipinong nagmagandang loob na tumulong, at pumayag namagpabataris kapalit ng ilang dolyar na maipapadala sa anak. Sa sobrang desperasyon napilitang mangalkal ng basura si Pinang, naghahanap ng ilang kapirasong lata at plastic na pinaglumaan.
  • Para to kay Cellie, kahit ano gagawin ko
  • Matapos ng sampung taon sa Amerika, napagod na si Pinang at ninais na niyang umuwi sa Pilipinas. Nag-ipon lang siya ng kaunting pera para makauwi na, sabik nasiyang makauwi sa Pilipinas matapos ang sampung taong malaimpyernong buhay sa Amerika.
  •  Masyadong mahaba ang panahong nawala para magkakilala ang mag-ina. Wala ng pag-asapara maibalik pa ang nawalang panahon. Ilang beses sinubukan ni Pinang na amuin ang anak. Binibilhan niya ng laruan, pagkain, at damit si Cellie subalit talagang ilang ang bata sa kaniya.
  • Sampung taon na po akong nagpapasensiya. Pagod na po ako. Iwanan niyo na lang po ako. Hindi ko napo kayo kailangan.
  • Wala po tayong komunikasyon dati siguro naman ay kaya pa niyong tiisinyun.
  • Unti-unti siyang lumiit, ang kaniyang mukha ay naging isang blanking screen, mula sa kaniyang tiyan lumabas ang mga pindutan, ang kaniyang mga mata’y naging camera. Mula sa pagiging isang bata si Cellie ang anak ni Pinang ay naging telepono. Isang bagay na walang buhay, pero isang bagay nasana’y nagamit ni Pinang para matawagan ang anak. Isang kagamitang pankomunikasyon, yun na lamang si Cellie ngayon. Ng biglang kumidlat at kumulog at yumanig ang lupa. Isang matinding liwanag ang bumalot sa buong pagkatao ni Cellie, sa sobrang galit ng kalikasan sa panglalapastangan niya sa kaniyang ina, ginantihan siya nito.
  • Anak ko....
Über 30 Millionen erstellte Storyboards