Isang araw umuwi si G Loisel upang ibalita na naimbitahan sila ni sa isang kasayahan. Si Mathilde ay mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili kaya't hindi niya ganon ikinatuwa ang balita ng kaniyang asawa.
Gleiten: 2
Ang balitang ito ay nagdulot lamang ng pagiging arogante ni Mathilde, gusto niya ng isang magarbong bestida bago dumalo sa kasayahan. Hinanapan ito ng paraan ni G Loisel dahil lubos ang pagmamahal nito kay Mathilde, binigyan niya si Mathilde ng pambili ng damit.
Gleiten: 3
Hindi pa rin nakuntento si Mathilde at nais niya ng isang magandang kwintas na babagay sa kaniyang bestida, wala nang perang mabibigay si G Loisel kay Mathilde kaya ginawan niya ito ng paraan. Nanghiram sila sa matalik na kaibigan nito na si Madame Forestier. Dahil sa pagkakaibigan nila pinahiram naman siya nito
Gleiten: 4
Naging masaya si Mathilde dahil siya ay naging sentro ng atensyon dahil sa angking ganda niya at ang kwintas na napakaganda, talagang hinangaan siya ng mga taong naroon.
Gleiten: 5
Nang makarating ang mag-asawa sa kanilang tahanan napansin nilang nawawala ang kwintas na kanilang hiniram mula kay Madame Forestier. Kung saan saan nila hinanap ang kwintas ngunit hindi nila ito makita kaya nagdesisyon nalamang sila na palitan ito. Ang kwintas na ito ay mayroong malaking halaga naging dahilan ito upang maghirap ang kanilang buhay, kung saan saan sila nangutang mapalitan lamang ito
Gleiten: 6
Makalipas ang ilang taon nagkita muli ang magkaibigan na si Madame Forestier at Mathilde, ikinuwento ni Mathilde kung gaano sila naghirap nang bumili sila ng kwintas pamalit sa kanilang hiniram na nawala. Ikinagulat at nanlumo si Mathilde nang malaman na imitasyon lamang ang kwintas na ipinahiram sa kanila at ito ay yari lamang sa puwit ng baso.