Suche
  • Suche
  • Meine Storyboards

Ang Kuwintas

Erstellen Sie ein Storyboard
Kopieren Sie dieses Storyboard
Ang Kuwintas
Storyboard That

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Erstellen Sie Ihr eigenes Storyboard

Probieren Sie es kostenlos aus!

Storyboard-Text

  • Si Mathilde ay isa sa magaganda't mapanghalinang babae. Siya ay nagpakasal sa isang abang manunulat. Isang gabi'y masayang dumating ang kaniyang asawa. Inabot sa kaniya ang isang sobre na may paanyaya sa isang kasayahang idaraos sa palasyo ng Ministro. Sa halip na matuwa ay nagalit si Mathilde.
  • Wala! Wala akong damit na maisusuot kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang iyan. Ipamigay mo na lang ang paanyaya.
  • Ano ang isa-sampay ko sa aking likod?
  • Mahal, akala ko'y ikatutuwa mo ang pagkakuha ko sa paanyaya. Nais ko lamang na malibang ka.
  • Para sa akin ay magan-da ang damt mong isinusuot kung pumapasok tayo sa teatro.
  • Upang pumayag si Mathilde na dumalo sa kasayahan, binigyan siya ni G. Loisel ng pambili ng magandang bestida at nanghiram din siya sa kaniyang mayaman na matalik na kaibigan na si Madame Forestier ng kuwintas na diyamante.
  • Mamili ka, mahal.
  • Sumapit ang araw na pinakahihintay ni Mathilde, ang araw ng sayawan. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya at sa pagiging kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan sa puso. Napako sa kaniya ang paningin ng kalalakihan at ng kagawad ng gabinete. Nag-ukol sa kaniya ng pansin pati ang ministro.
Über 30 Millionen erstellte Storyboards