Kung maari, sana'y naging Spartan na lamang ako! Ang mga tao rito ay wala nang ibang ginawa kung hindi mag-aral ng mga paksang mahirap intindihin. Bakit ba kailangan pang mag-aral kung mas mahalaga naman ang maghanda para sa digmaan?
Kung maari, oo, nais kong maging Spartan na lamang!
Ikaw ba ay natitiyak diyan? Kailangan mong alamin ang iyong mga hinihiling sapagkat maari mo itong pagsisihin sa huli.
Aking batang amo, hindi mo ba talaga mawari ang kahalagahan ng pag-aaral at talagang mas pipiliin pang maging isang Spartan?
Sa sumunod na araw, si Atticus ay biglang napunta sa lungsod estado ng Sparta. Ang kanyang hiling ay natupad rin. Sa wakas, hindi na niya kinakailangan pang mag-aral. Ngunit, hindi niya batid ang hirap na kaniyang sasapitin sa Sparta, kung saan ang mga bata ay nasasailalim sa matinding pagsasanay para sa digmaan.
Nasaan ako? At bakit ganito ang aking kasuotan?
Ano ang iyong ibig sabihin? Ikaw ay nasa Sparta, kaya mag handa ka na dahil magsasanay na tayo.
Napakahirap ng pagsasanay na ito. Hindi makatarungan na ganito ang araw-araw na gawain ng mga bata. Sana pala ay nakontento nalang ako sa aking buhay sa Atenas.