Kawawa naman yung bata. Kasalanan ko ito, mali ang pinagbintangan ko siya.
Wala ito anak mabuti naman ang nanay.
Nanay, tila may bumabagabag sa inyong isipan.
Kinahapunan, dumating na ang mag-anak sakanilang tirahan.
Huwag niyo na akong alalahanin, mabuti naman ako. Kung maaari, pupunta muna ako sa akin ng silid upang mag-ayos.
Ano ba ang nangyari sa iyo mahal kanina ka pa nagkakaganiyan. Magsabi ka lang, narito lang naman kami ng iyong anak.
Oo nga po, kanina pa po kayo tahimik at malungkot, 'di ba dapat masaya kayo sapagkat nakapagtapos ang inyong anak.
Tignan mo pati ang iyong anak nag-aalala na sa iyo.
Kasalanan ko ito, dapat hindi ko siya pinagbintangan ng ganoon.
Dapat managot ako rito, kawawang bata ng dahil sa akin napahamak pa siya.
Hindi ba tayo papasok sa loob, itay?
Mabuti pa nga tay, sana mabuti lang talaga ang kanyang kalagayan.
Hayaan mo muna ang iyong nanay, anak, mukhang may problema talaga siya. Bigyan muna natin siya ng panahon at sasabihin niya rin iyan.
Habang nag aayos sa kusina ang mag-ama lumabas na si Aling Marta mula sa kanyang silid.
Nay!
Nay, mabuti na po ba ang iyong kalagayan?
Oh, nandiyan ka na pala mahal, halika rito at kumain na tayo.
Ah, narinig ka nga pala namin na umiiyak kanina, pag-usapan naman natin iyang problema mo.
Sa totoo lang, nangutang lang ako para makabili ng mga kailangan para sa handaan na ito sapagkat nakalimutan ko ang aking pitaka. Kanina, sa aking pag-aakalang nanakaw ang aking pitaka, isinisi ko ito sa isang batang nakabunggo sa akin. Nang mahuli na ang bata, pumiglas ito, nakatakas, at ito ay nabunggo ng isang sasakyan at ito ay binawian ng buhay. Kaya ako ay nagsisisi sa aking pambibintang sa bata.
Napuno nang katahimikan ang buong silid, dahil sa pagkakaroon ng isang masinsinang pag-uusap.