Søg
  • Søg
  • Mine Storyboards

Unknown Story

Opret et Storyboard
Kopier dette storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Pero, sinabi rin sa pelikula na kaduda dudaang pirma sa sulat na iniwan ng bayani. Maraming nagsasabi na pakana lamang itong simbahang Katolika para hindi tuluyang madungisan ang pangalan nila. Walangmatibay na ebidensya na siya ang tunay na sumulat nito. At bago pa naman itoinilabas ay nailimbag na ang mga nobela. Marami na ang mga nakabasa nito,marami ang pumanig sa kaniya at nagpasiyang ipagpatuloy ang adhikaing nasimulanniya. Sa madaling sabi, kung totoo man ang retraksyon, wala naman nang magagawadahil kalat na ang nobela bago pa ang lahat.
  • Round 3: GROUP 1
  • Kung ang gusto ninyong panindigan ay ang mga nobela na ginawa niya, siya ba talaga ang dapat ituring na bayani? Hindi ba dapat si Bonifacio dahil sinabing siya ang utak ng rebolusyon? Pinili ni Rizal na patamaan ang simbahan sa pamamagitan ng mgasulat niya pero hindi siya ang naglakas loob na harapin ang mga Espanyol.
  • Round 3: GROUP 2
  • 
  • 
  • 
  • Isa pa, tunay nga ba naalam natin ang nilalaman ng nobela bago natin ito ipaglaban? Ang mga libro naating napag aralan noon ay kulang kulang. Nang isalin ito sa wika natin ay hindi nalimbag ang buong konteksto ng nobela. Kaya paano natin siya ituturingna bayani kung hindi natin siya tunay na kilala?
  • Pero iyon ay dahil sa ayaw niya nang madugong paglaban! Kung matatandaan natin sa pelikula, inaya ni Valuenzuela si Rizal na sumama sa rebolusyon, pero hindi niya ginawa dahil pinanindigan niya na lumaban gamit ang kaniyang pagsulat. Siya ang naging inspirasyon ni Bonifacio upang ipaglaban ang mga Pilipino. Kung hindi dahil sa mga sinulat niya, wala ang rebolusyon. Hindi ba kaya nga siya pinapatay ay dahil sinasabi na dahil sa mga sulat niya ay umusbong ang himagsikan kahit sa totoo lang ay hindi naman niya ito pinahintulutan? Siya ang nararapat na ituring na bayani dahil sa mga ideya niya simula una pa lang.
  • Round 4: GROUP 1
  • Ang mga nobela ay walang bisa kung hindi mapatutunayan ang retraksyon. Papasok din sa isyung ito si Josephine Bracken na siyang naging huling kasintahan ni Rizal bago siya pumanaw. Ipinakita sa pelikula na nais ni Rizal na pakasalan si Bracken, ngunit ang kondisyon ay kailangan niyang sumulat ng liham retraksyon at pumayag na ilathala ito. Ginawa ito ni Rizal ngunit hindi pinirmahan agad kung hindi sila ikakasal. Kaliwaan kumbaga. At sabi sa kasaysayan na ikinasal si Bracken at Rizal isang oras bago siya bitayin. Kaya kung kokonsiderahin ang kondisyon na aking nabanggit, ibig sabihin ay nagretract siya bago mamatay para pakasalan si Bracken at pinagsisihan ang mga isinulat at ginawa niya.
  • Round 4: GROUP 2
  • 
  • 
  • 
  • Kasama si Bracken at angbuong pamilya sa mga kabayanihang ginawa ni Rizal. Nang sila ay nasa Dapitan aysiya ang naging gabay nito upang isakatuparan ang kaniyang mga adhikain. Hindiman mulat si Bracken sa mga political na isyu noong mga panahong iyon ay siyapa rin ang bumuo kay Rizal nang siya ay nalugmok at nagkaroon pa sila ng anakna pinangalanang Francisco. Kung ang ipinaglalaban mo ay ang isyu ngretraksyon, kung totoong nagretract siya, bakit pa siya pinatay? Kung totoo nanangumpisal na siya nang dalawang beses, nagpamisa at nagbalik-loob, bakit itinuloy pa rin ang pagbitay sa kaniya?
  • Round 5: GROUP 1
  • Ayon sa sinabi ng isang gumanap na direKtor sa pelikula na si Cris Villanueva ay hiwalay ang isyu ng simbahang katolika at ang kaniyang retraksyon sa isyu ng gobyerno. Convicted political criminal sa mata ng mga kastila si Rizal dahil siya ang instigador ng rebolusyon.
  • Round 5: GROUP 2
  • 
  • 
  • 
Over 30 millioner Storyboards oprettet