Noong unang panahon, mayroong isang Reyna na namumuno sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Reyna Lylli.
Ako si Reyna Lylli.
Siya ay makasarili at sakim ngunit iba ang kanyang ipinapakita sa kanyang mamamayan, sa kanilang mga mata ay isa siyang dyosa na may busilak ang puso.
Glide: 2
Isang araw ay naisiwalat ang lahat ng ginawang kasamaan at kasakiman ni Reyna Lylli.
Nagbago ang tingin ng tao sakanya, ang dating dyosa ay tinrato na parang isang mangkukulam ngunit hindi naglaan ng panahon si Reyna Lylli dahil kahit ano man ang mangyari ay siya parin ang reyna at nasa tabi parin nya ang kanyang pinakamamahal na si Ryo. Si Ryo ay isang tagapagsilbi sa palasyo.
Glide: 3
Isang araw ay nagtalo si Ryo at si Reyna Lylli tungkol sa nangyayari sa bayan.
Ang mga taong bayan ay nagkakagulo dahil hindi nila matanggap na si Reyna Lylli ay sakim. Sa galit ay nasaksak ni Reyna Lylli si Ryo sa puso, sa takot at kaba itinakbo ni Reyna Lylli si Ryo sa isang manggagamot ngunit huli na dahil tumigil na sa pagtibok ang puso ni Ryo.
Glide: 4
Ang Pagkamatay ni Ryo.
Bago tumigil ang pagtibok ang puso ni Ryo, mayroon siyang hiniling sa reyna. Itigil mo na ang iyong kasakiman, Lylli. Piliin mo na ang tama at pa-alam... at tuluyan na ngang nawalan ng buhay si Ryo. Humagulgol ang Reyna sa sakit at dahil hindi nya matanggap na wala na ang taong nakakaintindi at nagmamahal sakanya ng tapat at hindi nya rin matangap na nawalan ng buhay si Ryo ng dahil sakanya. Inilibing si Ryo sa hardin ng palasyo.
Glide: 5
Sinunod ni Reyna Lylli ang huling hiling ni Ryo.
Inayos nya ang kanyang pamumuno sa bayan, tinapos ang kanyang kasakiman kahit masakit ay pinilit ng Reyna na tapusin ang bawat araw na wala si Ryo. Si Reyna Lylli ay minahal ng muli ng taong bayan, gaya ng kagustuhan ni Ryo.
Glide: 6
Nagdaan ang maraming taon ay hindi nagbago ang Reyna at hindi na rin nagkaroon ng bagong iniibig si Reyna Lylli.
Siya ay namatay sa isang maulan na araw, sa ilalim ng puno kung saan malapit sa puntod ni Ryo. Kahit sa kanyang huling hininga ay nakapiling nya si Ryo. Ang puntod ni Ryo at ang katabi nito ay ang puntod ni Reyna Lylli. Ilang araw matapos ilibing ng Reyna ay mayroong tumubong kulay pulang bulaklak sa puntod ni Reyna Lylli at Ryo, Ito ay tinawag nilang pulang liryo na sumisimbolo sa kamatayan.