Søg
  • Søg
  • Mine Storyboards

Unknown Story

Opret et Storyboard
Kopier dette storyboard
Se som diasshow
Storyboard That Characters Storyboard That

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Noong unang panahon sa rehiyon ng Bikol ay may isang napakagandang dalaga na anak ng makapangyahirang pinuno na si Makusog. Ang dalaga ay tinatawag sa palayaw na Daragang Magayon.
  • Ang usap-usapan tungkol sa dalaga ay umabot sa lugar ni Ginoong Alapaap. Si Alapaap ay isang matalino, magalang, at makisig na lalaki. Pagkarinig niya tungkol kay Magayon ay siya'y nag lakbay patungo sa Bikol upang makita ito.
  • Nalaman ni Alapaap kung saang ilog madalas maligo si Magayon kung kaya't nagmasid siya doon. Habang nag mamasid ay nakita niya ang dalaga habang naliligo kung saan kinailangan niya ito iligtas sapagkat nadulas at nahulog sa tubig ang dalaga.
  • Sa unang pagkikita nila ay umamin ng nararamdaman si Alapaap kay Magayon kung saan sinabi niya na nais niyang makasama ang dalaga habang buhay.
  • Ang balita tungkol sa pagkakasundo nila Magayon at Alapaap na magpakasal ay umabot kay Pagtuga, ang manliligaw noon ng dalaga. Nais nito pigilan ang kasal kung kaya't tinipon niya ang kanyang mga tauhan at ipinabinihag nito si Makusog at upang makalaya ito ay kapalit nito ang pagkakasunduan ng dalawa.
  • Ngunit di natakot si Alapaap kung kaya't nilusob niya ito. Sa paglusob ay napatay ni Alapaap si Pagtuga ngunit natamaan ng hindi sinasadya si Magayon. Sa pagtulog ni Alapaap sa dalaga ay nasaksak ng tauhan ni Pagtuga ang lalaki kung kaya't sabay sabay silang namatay at nilibing sa gitna ng malawak ng bukid.
  • Paglipas ng ilang araw ay binugad ang mga mamamayan ng malalakas na kulog at kidlat. Kinabukasan naman ay kapansin-pansin na tumaas ang pinaglibingan nila Daragang Magayon kung saan mayroon itong magandang hugis at naging bulkan. Sinasabi ng pari na ang bulkan ay si Daragang Magayon kung saan kapag ito ay pumuputok at nag aapoy ay naaalala nito ang kasakiman ni Pagtuga ngunit kapag ito ay payapa ay kapiling nito si Alapaap. Kalaunan ay tinawag ng bayan ang bulkan bilang Bulkang Mayon bilang alaala sa dalaga.
Over 30 millioner Storyboards oprettet

Vi bruger cookies for at sikre, at du får den bedste oplevelse. Fortrolighedspolitik

Forstået!