Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

Unknown Story

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
Unknown Story
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • Ako si Okonkwo isa sa matapang at respetadong mandirigma sa Umuofia
  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • Ito talagang si Ama puro kahihiyan ang iniwan sa aming pamiya at napaka raming utang
  • Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama
  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay
  • PAGLISAN (THINGS FALL APART)
  • Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.
  • Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
  • May planong pag patay kay ikemefuna, hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapangkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo
  • Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů