Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

Ang Aking Komiks ni Dhana Gillianne

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
Ang Aking Komiks ni Dhana Gillianne
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • Weare giving our indigenous people the opportunity to learn selfdevelopment,
  • Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugau-sugat dming makikinis na pangarap. Mga manika kaming tinusoK-tusok ng dng panginoong nasa malayong tore. Nilinlang kami ng mangkukulam na mga lagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok, at isang bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain-- ang lupain na aming minana sa aming mga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol, isa rin siya sa nagdilig ng sarili niyang dugo.
  • We are giving our indigenous people the opportunity to learn self development, panimula ng isang nakakurbatang lalake sa entablado, through the efforts of our tourism department; they could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence. Nagpalakpakan ang lahat. Ano daw? di ko alam, pumalakpak na lamang tayo -iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
  • Walong taong gulang pa lamang ako kaya't di ko nauunawaang parte kami ng negosyo sa resort na iyon at hindi mga nilalang na may puso't isipan. Kami ay nagtitinda ng mga hinabing basket, pamaymay, tsinelas, mga palamuti sa bahay, at mga souvenir.
  • Bye, Ms. Winters
  • Ako ay isang Ata-manobo. Pango, maitim, maalon ang buhok. Pangit ako kung titingnan sa salamin ng superpisyal na kultura na nagdodomina sa isip ng mga tao. Ang maliliit na bato, mga molekula ng mineral, hibla ng mga patay na damo, ang kapiranggot na lupa ng aming mga ninuno, ay kumakatawan sa isang Ata-Manobo. Hindi ako makalilimot.
  • Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot. Ang pagpaparangal na ito ay isang insulto. Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo sa gitna ng mga tao. At bigla ang lahat ay naging blangko.
  • Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhayPaalam.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů