Ito ang aking unang araw ng pasukan bilang isang hayskul sa isang malaking at mamahaling paaralan kaya't ako'y natatakot sapagkat baka mahirap at istrikto ang mga guro dito.
Magandang umaga mga magaaral! Isa sa mga tuntunin dito sa paaralan ay ang pagsalita ng wika ayon sa wikang ginagamit ng inyong asignatura. Ngayon, ako ang inyong guro sa Filipino kaya't lahat kayo'y magsalita gamit ang wikang Filipino. Ang maririnig kong hindi gumagamit ng wikang Filipino, ay babawasan ko ng puntos sa inyong grado. Maliwanag ba?
Hindi ko akalain na ganito pala ka higpit ang paaralang ito.
Opo Maam!
Opo Maam
Opo Maam!
Dahil unang araw ng pasukan, nagpakilala muna kami sa aming guro at pati na din sa kapwa kaklase. Ibinahagi at ipinaliwanag ko ang aking kuwento sa lahat ng sa tuluyan nila akong makilala.
Ako nga pala si Gia Bianca Fernandez, labing dalawang taon gulang po at...
Lumipas ang illang araw at nagsimula na kami ng aming aralin. Itinaas ko ang aking kamay sapagkat alam ko ang sagot sa tanong ng aming guro.
Ako po Maam
Sino ang makapagsabi ng pagkakaiba ng nang at ng?
Sige Ms. Fernandez
Ang ng ay ginagamit upang tumukoy sa pangngalan. Sa kabilang banda ang nang ay ginagamit upang panghalili sa salitang noong. Karagdagan pa ginagamit rin ito upang masagot ang tanong na paano at gaano.