Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

i

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
i
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • Isang araw, sa lupain ng Fertile Crescent, may isang pangkat ng tao na tinatawag na Sumerian ang dumating sa lupain. Nagtatag sila ng isang sibilisasyon dito. Tinawag nila ito “Sumer.” Sila ay nakapagtayo ng 12 na lungsod-estado halimbawa ay Kish, Erech, at Ur. Bawat lungsod estado ay pinapamunuan ng isang Patesi. Siya ang tumatayong pinuno, kumander, at punong-pari. Mayroon ring mga Ziggurat o templo kung saan nagsasamba ang mga tao. Bawat estado ay Malaya sa isat isa at madalas na nakikidigma sa kapwa.
  • Nang nakaraan ang mga taon, parami ng parami ang populasyon ng Sumer. Ngunit may isang pangkat ng tao ang unti-unting lumakas . Tinatawag sila na “Akkadian”. Isang araw, nilusob ng mga Akkadian ang pangkat ng Sumerian. Pinamunuan ng Sargon ang Akkadian. Sa huli, nagwagi ang pangkat ng Akkadian at namuno sa Fertile Crescent. Sinakop rin nila ang ibat ibang lugar tulad ng Lebanon. Unti-unting bumagsak ang mga Sumerian dahil sa pagkatalo nila sa Akkadian.
  • Noong nasakop na nila ang buong Fertile Crescent, sila ay nagtatag ng isang Imperyo. Sila ang kaunaunahang imperyo sa mundo. Nang tumagal ng 100 na taon, unti-unting humihina ang pangkat ng Akkadian. Dahil dito bumagsak ang imperyo. Si Shargalishari ang sinasabing pinakahuling hari ng Akkadian.
  • Sumunod sa Akkadian ay ang mga Babylonian. Sinakop nila ang Akkad hanggang Sumer. Ito ay sa pamumuno ng Hammurabi.
  • Siya ay nagtatag ng mga batas na tinatawag na Kodigo ng Hammurabi. Sa batas na ito, ay pinagsama niya ang dating batas ng mga Sumer at Akkad. Isinagawa rin nya ang Trial by Ordeal. Ang mga batas sa Kodigo ay mahaharas at malupit. Kung kayat natatakot ang mga tao na gumawa ng kasalanan.
  • Ang mga Babylonian ay humihina at bumagsak sa nakaraang panahon.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů