Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

2.5.4 Pagtataya

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
2.5.4 Pagtataya
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • Huwag kang mag-alala. Gagaling din siya.
  • Si Papa, nasa ospital. May sakit siya.
  • Ilabas mo lang ang mga luha mo. Nandito lang ako, di kita iiwan.
  • Paano yan? May sakit na si Papa, kulang pa pera namin para bayaran ang ospital.
  • Ano ka ba, malaking tulong ito. Salamat talaga, besh. Malapit na din naming mabayaran ang mga bayarin sa ospital.
  • Nagtrabaho ako ng mabuti dito sa Toy Store. Ito, sana makatulong ito. Pasensya ka na konti lang.
  • PAKIKIISA - Sa antas na ito, naituturing ng isang tao na siya ay hindi iba sa kaniyang kapwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin, o gawain. Naipapakita ng isang tao ang kaniyang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pakikiramay at pagtulong sa paglutas sa suliranin nito. Itinuturing niya na ang suliranin ng kaniyang kapwa ay suliranin niya rin.Dito po ay may sakit po ang ama ng aking kaibigan at gipit sila sa pera, kaya hindi nila mabayaran ng buo ang ospital.
  • Okay lang ako. Wala ito.
  • Okay ka lang ba, BFF? Anong problema?
  • Sa sitwasyong pong ito, mapapakita ko po ang pakikiisa ko sa aking kaibigan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang suliranin. Lagi ko po siyang aalalayan at handa pag kailangan niya ng tatakbuhan. Dadamayan ko rin po siya sa kanyang pagluluksa o kalungkutan. Sasamahan po siya sa ospital at bibisitahin ang kanyang ama na may sakit. Ako po ang magiging sandalan niya pag kailang.
  • Tama. Mapagkakatiwalaan mo kami. That's what friends are for.
  • Pangako!
  • Kausapin mo kami. Mga kaibigan mo kami, pwede mong ikwento ang kahit ano sa amin.
  • At sa abot ng aking makakaya, tutulungan ko po siya at ibibigay ko po ang kailangan niya mula sa akin. Sa sitwasyong pong ito, magsisikap po ako ng mabuti sa trabaho o gagawin ko po ng paraan upang kahit konti, mabigyan ko po siya ng konting pera (tulong) para mabayaran nila ang kanilang hospital bills. Sasamahan ko po siya sa hirap at ginhawa.
  • Maraming salamat guys ah! Tunay kayong mga kaibigan at mapagkakatiwalaan.
  • PAKIKIPAGPALAGAYANG-LOOB - Nagsisimula sa antas na ito ang pagbubukas ng sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapwa na makikita sa pagbabahagi ng mga personal na impormasyon ukol sa sarili.Dito naman po, mayroon po akong problema at nalulungkot po ako. Ang aking mga kaibigan ay sinusubukan akong damayan.
  • Oo nga. Ang layo ng tingin mo ah. Kausapin mo kami.
  • Mapapakita ko po ang aking pakikipagpalagayang-loob sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanila. Bilang mga kaibigan ko po sila, kailangan ko pong matutong magtiwala. Magtiwala na hindi nila ibabahagi ang aking mga sikreto. Hindi nila sisirain ang kanilang mga pangako at ganoon din po ako sa kanila.
  • Sige... Basta hindi niyo sasabihin kahit kanino, pangako?
  • Okay. Ganito kasi yon...
  • Tulad po sa nasabi kanina o nauna na pakikiisa, itinuturing ng isang tao na siya ay hindi iba sa kaniyang kapwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin, o gawain. Nagdadamayan at nagkakaisa. Nagtitiwala at nagmamahalan na rin upang mas lumakas at tumibay ang relasyon namin bilang magkakaibigan.
  • Walang anuman. Basta lagi mong tandaan, pwede mo kaming pagkatiwalaan.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů