Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din o MND ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
Minsan, naimbitahan si Nassreddin na magbigay ng talumpati sa harap ng maraming tao
Hindi po
Alam ba ninyo ang aking sasabihin?
Bago siya magsimula, mayroon siya munang tinanong sa mga manonood
Hindi po
Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking sasabihin
Hindi po
Nahiya ang mga manonood dahil sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si Nassreddin. Muli namang nagtanong si Nassreddin sa mga manonood ngunit ngayon, iba na ang kanilang sagot
Opo
Alam ba ninyo ang aking sasabihin?
Opo
Ay! Kung alam niyo na kung ano ang aking sasabihin hindi ko na aaksayahin pa ang oras niyo.
Opo
Talagang matindi na ang pagkalito ng mga manonood. Nagpasya silang anyayahan ng isa pang beses si Nassreddin, at kanilang pinaghandaan ang isasagot dito
Alam ba ninyo ang aking sasabihin?
Opo
Kayong may alam kung ano ang aking sasabihin… pakisabi doon sa mga hindi nakaaalam.”
Hindi po
At muli, umalis si Nassreddin at iniwan ang mga manonood na nagulat at nalito sa kaniyang sagot
Mensahe:Upang gumaan ang ating buhay, kailangan natin ng kahit kakaunting katuwaan o kasiyahan sa buhay. Ngunit, may mga pagkakataon na kailangan nating maging seryoso sa mga bagay-bagay