Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

Unknown Story

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
Unknown Story
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • Sa huling gabi ng burol ng asawa ni Lito...
  • Sa matinding paghagulgol ni Lito...
  • Tay..!!
  • Sa kwarto ni Lito...
  • Hindi na napigilan ni Lito na maluha sa harap ng kabaong ng kanyang minamahal na asawa sapagkat sa limang araw na burol nito ay pinilit niyang hindi magpakita sa kanyang nag-iisang anak na si Olive ng matinding kalungkutan upang hindi ito mag-alala.
  • Makalipas ang ilang minuto...
  • Pasensiya ka na, anak.
  • Tay, ano po bang problema? Ayos lang po ba kayo?
  • Nagtungo ito sa kanyang kwarto. Labis na ang kalungkutan na kanyang nararamdaman dahil iniisip niya na ito na ang huling araw na masisilayan niya ang kanyang asawa. Ngunit agad-agad siyang sinundan ng anak na nag-aalala sa kanyang nasaksihan na pagluha ng kanyang tatay.
  • Sa patuloy na pag-uusap ng mag-ama...
  • Talaga ba, anak?
  • Tay, wala po kayong dapat ikahiya.
  • Umupo ang magtatay sa kwarto. Dinamayan nila ang isa't-isa nang magkahawak ang kamay habang sila ay lumuluha. Hindi na nga kinaya ni Lito na hindi maluha kasama ng kanyang anak na humagulgol na rin sa iyak tulad niya.
  • Sa pagtatapos ng kanilang pag-uusap...
  • Mula ngayon, mas magiging bukas na ako sa iyo.
  • Ako din po, Tay.
  • Tinanong ni Olive ang kanyang tatay kung ano ang problema. Ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong, humingi siya ng pasensiya sa anak dahil sa nasaksihan nito kanina.
  •  Ayoko na dumadagdag pa ako sa kalungkutan mo.
  • Sa nangyari kanina, anak.
  • Saan po, Tay?
  • Sa naging tugon na ito ni Lito, pansin ni Olive na nahihiya ang kanyang tatay sa nangyari. Kaya naman, ipinaramdam niya sa kanyang tatay na walang masama sa kanyang nasaksihan na pagluha nito.
  • Salamat, anak.
  • Opo, Tay.
  •  Naiintindihan ko po kayo sapagkat tao lang din po kayo na nasasaktan sa nangyayari.
  • Pinaalalahanan nila ang isa't-isa na maging bukas sa kahit na anumang nararamdaman nila lalo ngayong sila na lamang dalawa ang mayroon ang isa't-isa. Nangako sila na hindi magiging hadlang ang pagkakaiba ng kanilang kasarian upang magkaroon sila ng pagkakaintindihan sa kakaharapin nilang bagong buhay na walang presensya ng kanilang ilaw ng tahanan.
  • Mabuti 'yan, anak. Salamat. Mahal ka ni tatay.
  •  Sisiguraduhin ko po na hindi magiging hadlang ang kasarian ninyo bilang tatay upang magkaintindihan po tayo.
  • Mahal din po kita, tatay.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů