Vyhledávání
  • Vyhledávání
  • Moje Příběhy

9 - Sodium - Estrada, Karlos Dominic - Filipino 3 Q4 Kabanata 21

Vytvořte Scénář
Zkopírujte tento scénář
9 - Sodium - Estrada, Karlos Dominic - Filipino 3 Q4 Kabanata 21
Storyboard That

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Vytvořte si vlastní Storyboard

Zkuste to zdarma!

Storyboard Text

  • Nang lumabas sa klase si Placido Penitente, hindi na siya ang dating mapagtimping tao. Siya'y galit na galit at nais gumawa ng isang libo't isang paghihiganti. Habang papalabas siya sa klase, nakita niya ang isang sasakyang lulan sina Don Custodio at Padre Sibyla. Nais niyang hablutin ang kura at ihagis sa ilog.
  • Napadaan si Placido sa Eskolta. Gusto niyang ulanan ng suntok ang nakitang dalawang Agustino ngunit nagpigil sa sarili. Nadaanan niya ang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani. Sinagasa niya ito at inalihan ng hamok si Placido. Dahil nito, akala ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral. Sabi niya sa sarili: “Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.”
  • Nakarating si Placido sa bahay na tinutuluyan ng kanyang ina na si Kabesang Andang. Sinabi ni Placido na hindi na daw siya mag-aaral na dulot ng paghihinagpis ng ina. Nagpaalam si Placido at gumala sa lungsod kahit mainit pa ang ulo. Umuwi ito dahil sa gutom. Tutol siya sa pakikiusap ng ina sa produkador ng Agustino. Tuluyang nagsermon ang ina sa pagtitiis nito. Muling umalis si Placido.
  • Nadatnan ni Placido si Simoun. Isinama ng alahero ang binata sa karwahe nito. Bumaba sila at naglakad patungo sa isang munting bahay na pagawaan ng pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan ni Simoun ang guro na pakipagkitaan ang tenyente at kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Tumalima ang guro.
  • Nang umuwi si Placido pagkatapos ng dalawang oras, nagtalo ang loob ni Simoun. Sinusurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tutol sa kanyang ginagawa. Ngunit, sabi ng alahero:#160;“Kung ako’y tumulad sa inyo’y patay na ako. Gumagawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.” Nilalagnat na noon si Simoun.
  • Kinabukasan ay buong bait na nakinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi siya tumutol sa mga mungkahi nito. Ipinayo na lamang ng binata sa ina na bumalik sa lalawigan kaagad dahil kung nalaman daw ng produkador na naroon si Kabesang Andang ay hihingan pa ito ng regalo at pamisa.
Vytvořeno více než 30 milionů Storyboardů