May isang batang mahirap na nag--aaral sa isang klase. Kapansin - pansin na tahimik lang ito. Palagi siyang nag - iisa, walang kausap at palaging nasa sulok lang. Laging siyang nakayuko, mailap ang mga mata, at sasagot lamang kapag tinatawag ng guro.
Sa pag-uwi niya sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umiiyak dahil sa panunukso ng kanyang mga kaklase, at palagi siyang nagsusumbong. Mapapakagat - labi ang kaniyang ina at matagal itong di nakakibo, sabay haplos nito sa kaniyang buhok.
Lumipas ang mga araw ngunit di pa rin nakapag - uwi ng maraming pera ang ama ng bata kaya ganoon parin ang kanilang buhay mag - ina. Ngunit ang bata ay unti - unti na nakakaunawa sa kanilang sitwasyon.
"Sinungaling ka!! Ipakita mo nga sa amin para kami ay maniwala"
"Alam niyo may sandaang damit ako sa bahay"
"Kung totoo yang sinasabi mo, ba't palagi li=uma ang sinusuot mo?'
At nagsimula na siyang isa - isa ilarawan ang mga damit. Ayon sa kanya, may mga damit siya para sa iba't - ibang mga okasyon. May mga damit pambahay, pantulog, pampaaralan, at iba pa.
Totoo na nandun ang sinasabi niyang mga damit na pang iba't ibang okasyon ngunit itong ay mga drawing lamang sapagkat ayon sa kanya iyon ang kanyang mga iniingatan na mga sandaang damit na pawang iginuhit lamang.