Sumama kayo sa akin, ituring ninyo akong tunay na anak at kayo'y aariin kong ama sapagkat kapwa tayo sawi at wala ni isa mang nalalabing kamag-anak
bakit pa ako magpapakadusta sa ibang lupain? ano ang dahilan ng ganito kong pamumuhay na tulad ng isang halimaw na pinag-uusig? isang sugo ng Diyos sa lupa ang naglugso ng puri ng anak kong babae
Skluzavka: 2
Sumama kayo sa akin, ituring ninyo akong tunay na anak at kayo'y aariin kong ama sapagkat kapwa tayo sawi at wala ni isa mang nalalabing kamag-anak
bakit pa ako magpapakadusta sa ibang lupain? ano ang dahilan ng ganito kong pamumuhay na tulad ng isang halimaw na pinag-uusig? isang sugo ng Diyos sa lupa ang naglugso ng puri ng anak kong babae
Skluzavka: 3
May katwiran kayong maghiganti, katulad ninyo ako at dahil sa ayaw kong makasugat ng walang sala ay nilimot ko ang aking kasawian
Maaari ka pang makalimot sapagkat bata ka pa at hindi nawawalan ng huling pag-aasa, ako'y asahan ninyong hindi papatay ng walang sala.
Skluzavka: 4
Ginoo, ako'y nagkapalad na makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, at nagmamahal sa kanyang bayan. Siya'y may lakas sapagkat kaibigan siya ng kapitan heneral. kung sakaling siya'y pumayag sa atin ay hindi ba kayo sasang-ayong siya'y papagdalhin ng karaingan ng bayan upang tayong mga aba'y lingapin?
mayaman ang wika mo? ang mayayaman ay walang naiisip kundi magpayaman. iya'y alam ko sapagkat ako'y naging mayaman!
Siya po'y iba, siya'y isang anak na nagdaramdam sa pagkadusta sakanyang ama. Siya'y malapit nang mag-asawa kaya't isang magandang bukas ang ilalaan niya sa kanyang magiging anak
Sinabi din ni Elias sa Kapitan ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ibinida niya rito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Dagdag pa ni Elias ay makatutulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral ng tungkol sa mga hinaing ng bayan.
Skluzavka: 5
Sakali mang pumayag siya at makarating sa kapitan heneral ang ating mga daing at ipalagay na nating siya'y makatagpo sa Madrid ng mga kinatawang magtatanggol sa atin, sa palagay mo kaya'y pakikinggan ang ating mga karaingin
Subukan po muna natin bago tayo gumawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagdanak ng maraming dugo
Ang binata'y yinakap ng matanda
Skluzavka: 6
Para sa Kapitan ay wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Aniya’y lulusob sila sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig din ng pamahalaan. Ito nama’y nauunawaan ni Elias kaya nasa Kapitan ang simpatya nito. Minsan na ring hinangad ni Elias na makapaghiganti ngunit kinalimutan na lamang niya ito dahil sa kagustuhang wala ng madamay pa dito.
Ikaw na ang bahalang magsabi ng ating mga daing. kailan ko malalaman ang sagot?
Sa ikaapat na araw ay patunguhin ninyo sa baybayin ng San Diego ang isa ninyong tauhan at sasabihin ko sa kanya ang sagot. kung siya'y sasang-ayon ay magtatamo tayo ng katarungan at kung hindi, ako ang unang kasama ninyong maghahandog ng buhay sa pakikilaban.