Ina pwede mo ba sabihin ang mga kultura't tradisyon ng Pilipinas?
Una na ang pagmamano, ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakakatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakakatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po.
Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tandang paggalang.
Ikalawa ay ang bayahihan, ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang "bayan" na maaaring tumutukoy sa isang komunidad. Ang saliatang bayanihanay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang komunidad para sa isang layunin.
Ikatlo ay ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba't ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukuluay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan,at masasaganang handaan.
Ang panahong kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taon-taon.