Търсене
  • Търсене
  • Моите Разказвачи

Alamat ng Rosas

Създайте Storyboard
Копирайте този Storyboard
Alamat ng Rosas
Storyboard That

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Текст на Статията

  • ANG ALAMAT NG ROSAS
  • Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
  • Ang ganda talaga ni Rosa
  • Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
  • Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
  • Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.
  • Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.
  • Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio.Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
  • Pag dating sa pag-ibig ay hindi dapat pinaglalaruan ang puso ng kahit sinuman dahil maaari itong magdulot ng poot sa damdamin ng taong nasaktan.Kilalaning mabuti ang taong nais pag-alayan ng iyong pag-ibig. Hindi kailangang mag-madali, sa halip ay hilingin at ipanalangin sa Diyos na ibigay sa iyo ang tamang lalaki/babae sa tamang panahon.
  • ARAL:
Над 30 милиона създадени разкадровки