Naku, Mathilde! Ano ang nangyari sa'yo? Kay tagal nating hindi nagkita. Hindi kita namukhaan agad. Kamusta ka na at ang iyong asawa?
Oo nga, matagal tayong hindi nagkita matapos ang pag-sauli ko ng kwintas sa iyo. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ganito ang aking pamumuhay ngayon.
Ang totoo niyan, 10 taon ang nakalilipas, naiwala ko ang tunay mong kwintas noong gabi ng piging. Sinubukan kong itago ito sa iyo sa pamamagitan ng pagbili ng bagong kapareha lamang. Nangutang kami upang mabili iyon dahil sa kamahalan ng dymante kaya 10 taon kaming nagbayad ng utang.
Napagdesisyonan kong ibabalik ko na lamang sa iyo ang kuwintas na pinaggastusan ninyong mag-asawa. Naluma man ito dahil sa mga taon na lumipas, hiling ko pa ring makatulong ito sa inyo.
Naku, hindi na kailangan, ngunit salamat. Unti-unti naman na kaming bumabangon at sigurdao akong makatutulong ang kuwintas sa panahon ng pangangailangan.
Makalipas ang sampung taon, nagkitang muli ang dating magkaibigang sina Mathilde at Madam Forestier. Nagulat si Madam Forestier nang makita niya si Mathilde dahil hindi niya na ito namukhaan sa kaniyang pananamit at hitsura. Nag-usap sila at nagkamustahan na napunta naman sa usapan kung bakit ganoon na ang pamumuhay nila Mathilde.
Naikwento ni Mathilde ang nangyari sa pamumuhay nila ng kaniyang asawa magmula noong huli nilang kita ni Madam Forestier. Nakaramdam naman ng awa ang ginang.
Napagdesisyonan ni Madam Forestier na ibalik sa pagmamay-ari ng mga Loisel ang kuwintas. Naisip niyang hindi ito magiging patas lalo na't nalaman niya na totoong dyamante na pala ang kaniyang hawak. Naisip ni Mathilde na maaaring magamit ang kuwintas sa pagsangla sa panahon ng pangangailangan. Napagtanto niyang marami siyang nabagong ugali mula noong nangyari.