Търсене
  • Търсене
  • Моите Разказвачи

Filipino

Създайте Storyboard
Копирайте този Storyboard
Filipino
Storyboard That

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Текст на Статията

  • Matapos marinig ni Mathilde ang katotohanan mula kay Madame Forestier, hindi niya matulungan ang kaniyang sarili kundi umiyak. Inisip niya ang mga paghihirap na dinanas nila ng kaniyang asawa sa nakaraang sampung taon para lamang sa isang pekeng alahas.
  • Matapos umiyak ni Mathilde nagmuni-muni lamang siya hanggang sa napadpad siya sa isang lumang lagusan at dito ay may nakita siyang kumikinang na alahas. Ito ay isang kwintas.
  • Kinuha ni Mathilde ang kwintas at inisip niya na baka ito ang nawawalang kwintas noong nakaraang sampung taon dahil magkamukha na magkamukha ito. Ngunit mukhang imposible naman ito at kahit ano mang mangyari ay peke ang kwintas na iyon. Umalis na lamang si Mathilde dala ang kwintas.
  • Naisipang dumaan ni Mathilde sa isang sanglaan at ibinigay ang kwintas. Dito, nalaman niya na tunay ang kwintas. Hindi ito ang kuwintas na meroon siya noong nakaraang sampung taon. Malaking halaga ng pera ang nakuha niya dahil sa kuwintas noong araw na iyon.
  • Agad na umuwi si Mathilde sa kanilang bahay at binalita sa kaniyang asawa ang lahat ng mga nangyari sa kaniya. Ang perang nakuha ni Mathilde ay sapat na upang makabili sila ng mas maayos na bahay at mga kagamitan para sa buhay. Ngunit mas may naisip na magandang ideya ang mag-asawa kung ano ang gagawin dito.
  • Napag-desisyunan nilang ibigay ang nakuhang pera sa mga batang nangangailangan ng tulong. Tulad ng mga batang dumadanas din ng paghihirap, mga batang may kapansanan at iba pa. Magmula nito ay mas naging magaan ang pamumuhay ng mag-asawa.Masaya sila dahil nakakatulong sila sa mga batang nakadanas din ng kanilang mga pinagdaanan.
  • Ngiti tayo!
Над 30 милиона създадени разкадровки