Търсене
  • Търсене
  • Моите Разказвачи

Ang Pagong at ang Kuneho

Създайте Storyboard
Копирайте този Storyboard
Ang Pagong at ang Kuneho
Storyboard That

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Създайте своя собствена Storyboard

Опитайте го безплатно!

Текст на Статията

  • Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa mabagal maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho.“Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan.” Sabi ng kuneho.“Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo.” Sabi ng pagong
  • Nag-tuloy ang kanilang asaran hanggang sa nagkaroon sila ng hamunan sa isa't isa.“Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang,” wika ni Kuneho.“Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduking iyon.” Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
  • Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera.Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
  • Si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang matulog muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
  • Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik.Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.Nang magising naman si kuneho, gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya.
  • Wakas...
  •  Sa huli, ang nanalo ay si pagong. Simula nito, tumigil na sa pagiging mayabang si kuneho at naging pala kaibigan na sa ibang mga hayop.
  • *hinihingal*
Над 30 милиона създадени разкадровки