ANITA: Hindi naging huwaran ang aking buhay sa mundo,ngunit minsan kita’y minahal, at ang alaalang yaonang tanging yaman dito sa piling ng mga pangakongnaligaw, mga pangarap na pinagkanulo.JACKSON: Hindi nakakain ang pangarap, Elena, may mgapangaingailangan, obligasyon . . . Hindi kopinangarap ang mangolekta ng buwis . . . gusto kongmaging Presidente, pero hindi sinuwerte.ANITA: Paalam, minsa’y asawa, patawad, huwag ka nangmanggagambala . . .JACKSON: Sandali lang, marami pa akong itatanong.Hanggang kailan ang buhay ko. . Elena . . .
MAX: ’Yung inhaler daw niya!
ANITA: Jayson . . . Jayson . . .
MAX: Di po ako si Jayson . . . si Max po.
(Lalabas bigla sa pagkasapi si Anita. Nanginginig siya. Hirap sa paghinga. Tutulungan siya ni Jackson pero hindi maiintindihan ang sinasabi ni Anita. Papasok si Max.)
JACKSON: Dumating po siya, nakausap ko po si Elena, maramipong salamat.
ANITA: Salamat hijo . . . (Titingin kay Jackson.) Ano angnangyari?
(Tatakbo para kunin ang inhaler at ibibigay ito kay Anita nang mabilis.Bubuntong hininga si Anita.)
MAX: Oo nga, huwag ganyan.
JACKSON: Gusto ninyo pumunta sa ospital?ANITA: Huwag . . . huwag. Wala ito . . . ano sabi asawa mo?JACKSON: Eh, magbago na daw ako.ANITA: O, tama iyan, bago na ikaw, huwag singil ganyan laki.